HINAHANAP ngayon ng Kamara sa Department of Budget and Management (DBM) ang kita ng pamahalaan mula sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., hindi lamang dapat expenditure ng pondo ang tingnan kundi maging ang kita ng gobyerno.
Anang kongresista, simple lang naman ang kuwestiyon sa DBM, kung ang karagdagang koleksiyon ba sa TRAIN ay napunta sa health, infrastructure, education o sa suweldo ng mga kawani ng gobyerno.
Pero hanggang ngayon, aniya, ay hindi pa rin ito masagot ng DBM.
Malaking katanungan din sa mambabatas ang pagtapyas ng budget sa ilang ahensiya sa P3.757 trillion 2019 budget na aabot sa P10 bilyon ang ikinaltas.
Dahil dito, hiniling pa ni Andaya sa DBM na iprisinta sa Pangulo ang ipinangako noon ng ahensiya na dagdag na kita ng gobyerno. CONDE BATAC
Comments are closed.