NAKATAKDANG bumaba ang kabuuang kita ng bansa sa coconut oil exports ngayong buwan ng 1/5 sa $1.2 billion sa gitna ng pagbulusok ng presyo sa pandaigdigang merkado, ayon sa Philippine Coconut Authority (PCA).
Sinabi ni PCA Administrator Romulo J. de la Rosa na ito ay sa kabila ng posibilidad na maabot ng bansa ang 1 million metric tons (MT) ng CNO export volume ngayong taon.
“We can hit the 1 million metric tons [of CNO exports this year]. But if the prices are going to remain like [$1,100 to $1,200] then we can expect lower receipt even if we reach 1 million metric tons of exports,” pahayag ni De la Rosa sa BusinessMirror.
Ang kabuuang kita ng bansa mula sa CNO exports noong nakaraang taon ay lumobo ng 30.56 percent sa $1.504 billion dahil sa pagtaas ng domestic coconut output na nagposte ng 16.91-percent increase year-on-year.
Sinabi ng United Coconut Association of the Philippines (UCAP) sa BusinessMirror na target ng industriya na makapagluwas ng 1 million MT ng CNO ngayong taon kung saan ang local production ay inaasahang lalo pang lalakas upang mapanatili ang recovery momentum nito. Ang volume ay mas mataas ng 8.46 percent sa 922,000 MT ng CNO na iniluwas noong nakaraang taon.
Sa pagtaya ng UCAP, ang coconut output ngayon taon ay tataas ng 8.67 percent sa 2.607 million MT sa copra terms, mula sa 2.4 million MT na naitala noong nakaraang taon.
Ayon kay Dela Rosa, ang total coconut production ay maaaring mahigitan ang 14.06-billion nut output na naitala noong 2017 sa pagbuti ng lagay ng panahon ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
“Weather conditions are better this year compared last year. We are experience more rains this year which is good for coconuts as it boost their productivity,” aniya. “We will have a bettere harvest this year. It is just that we are experiencing declining prices.” JASPER ARCALAS
Comments are closed.