KITCHEN TYPE NA SHABU LAB NADISKUBRE

SHABU LAB-PASAY CITY

NASABAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang  kitchen type shabu laboratory sa isang condo unit sa Pasay City noong Lunes ng gabi habang naaresto ang ilang Chinese.

Ang operasyon ay pinangunahan ni Re­gional Director Jiger Montellano ng PDEA, katuwang ang mga tauhan ng Region 4A,  sinalakay ang isang yunit ng condominium sa Diosdado  Macapagal Blvd., Pasay City na  umano’y pag-aari rin ng isang Chinese.

Nadiskubre ang  shabu laboratory matapos matiklo ang apat na  Hongkong national sa magkakahiwalay na lugar ng buy bust ope­ration sa Malate sa Maynila at nasamsaman ng shabu na may street value P6.8 million, P2 million marked money, black sling bag at cellphone.

Una nang naaresto sina  Lam, Ming Sun at Lam Wing sa isa pang drug operation bandang alas-5:00 ng hapon noong Lunes.

Agad namang ikinasa ang follow-up ope­ration at nadiskubre sa  nasabing condo unit ang finish products na high grade shabu, na aabot sa P540 bil-lion, laboratory equipment, tube, coldrun, assorted chemical na sangkap umano sa shabu, at iba pang uri ng panluto ng shabu, dalawang washing ma-chine, na ginagawang dryer, isang unit ng refri­gerator, electric stove at gas stove.   PAULA ANTOLIN

Comments are closed.