KKD HIGH SPEED HITTER NA

PVL Kim Kianna Dy KKD

INANUNSIYO nitong Linggo ng PLDT ang ikatlong karagdagan sa koponan, sa katauhan ni dating F2 Logistics star Kim Kianna Dy.

Kinumpleto nito ang impresibong off-season recruitment drive bilang paghahanda sa 2024 Premier Volleyball League season na magbubukas sa susunod na buwan.

Sasamahan ni Dy, kinikilala bilang isa sa best opposite hitters sa bansa sa kasalukuyan, sina dating Cargo Movers Majoy Baron at Kim Fajardo. Muli nilang makakasama ang kanilang ex-La Salle teammate na si Mika Reyes.

Sa kabila ng mataas na ekspekrasyon sa kanya, ang 28-year-old spiker ay nananatiling mapagkumbaba at sinabing ang maging bahagi ng isang bagong koponan ay isang learning experience para sa kanila nina Baron at Fajardo.

“Stepping out of your comfort zone can be scary sometimes. But at the same time, that’s when you realize that you can learn so much more from new coaches and teammates,” aniya.

“Knowing that there’s still so much to learn inspires me to thrive and work harder. It’s going to take a lot of hard work, but I hope we can meet the expectations set for us here in PLDT.”

Ang pagkuha sa tatlong dating Cargo Movers ay isang malaking hakbang para sa High Speed Hitters, na nagpakita ng potensiyal sa nakalipas na dalawang seasons subalit kulang ng sandata  para makipagkumpetensiya sa top teams ng PVL.

Sa pagpasok ng inaugural PNVF Champions League MVP, ang High Speed Hitters ay umaasang makagagawa ng breakthrough sa 2024 PVL season at makipaglaban para sa kampeonato.

Sa huling dalawang edisyon ay tumapos sila sa gitna ng standings.

Si Dy, na ginugol ang kanyang huling pitong taon sa now-defunct Cargo Movers, tulad nina Baron at Fajardo, ay hindi naglaro sa buong Second All-Filipino Conference dahil sa knee injury na kanyang tinamo sa Invitational Conference.

Nakatakdang buuin ng dating La Salle star ang formidable 1-2 punch kasama si Fil-Canadian outside spiker Savannah Davison. Si Davison ay naging  impresibo ang debut para sa High Speed Hitters sa season-ending conference, kung saan tumapos sila sa fifth place na may 7-4 record.