KLASE AT TRABAHO SA GOBYERNO SUSPENDIDO NA

NAGSUSPINDE na ng klase at trabaho si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga lugar na apektado ng Bagyong Florita.

Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, simula ngayong araw, Agosto 23, walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampublikong eskwelahan sa National Capital Region, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales at Bataan hanggang bukas, Agosto 24.

Wala ring pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa mga nabanggit na lugar hanggang bukas.

Samantala, ipinauubaya na ni Pangulong Marcos ang pagpapasya sa mga pribadong paaralan at tanggapan kung magsususpinde ng kanilang operasyon at pasok.

Ang suspensiyon sa klase at trabaho ay ginawa ng Pangulong Marcos base na rin sa rekomendasyon ng Office of Civil Defense. EVELYN QUIROZ