KLASE NG 1.9 MILYONG STUDES PINARALISA NG LINDOL

Klase

DAHIL sa pagtama ng 6.3 magnitude na lindol sa Mindanao, aabot sa 3,873 paaralan sa tatlong probinsya ng rehiyon ang nagtamo ng sira kaya naman nasa 1.9 milyong mag-aaral ang bakasyon muna.

Sa ulat na natanggap ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)  mula sa Department of Education (DepEd), 40 sa mga paaralan ang napinsala.

Kabilang sa mga apektado ang Davao, Soccsksargen at Bangsa­moro regions.

Sa datos ng NDRRMC may 3,800 schools na mayroong 1,989,260 estudyante ang naapektuhan ng pagyanig na kumitil din sa buhay ng lima katao at ikinasugat ng mahigit sa 60 katao.

Ayon pa sa mga nakalap na ulat, tatlo katao ang nasawi sa landslide, isa ang nadaganan ng bumagsak na pader at isa ang nasawi matapos na atakehin sa puso.

Sa bilang ng mga nawasak na paaralan, 40 rito ay pinangangambahang hindi kaagad mabalikan ng mga mag-aaral hangga’t hindi nasisiyasat ng mga eksperto ang structural integrity ng  mga gusali.

Apat na eskuwelahan ang nawasak  ng lindol sa Koronadal City, tatlo sa Kidapawan City, dalawa sa Digos City, at tig-iisa sa Davao del Sur, North Cotabato at South Cotabato.

Tiniyak naman ng DepEd na agad tutulungan ang mga naapektuhang pasilidad para mapabilis ang pagbabalik-eskuwela ng mga mag-aaral. VERLIN RUIZ

5 thoughts on “KLASE NG 1.9 MILYONG STUDES PINARALISA NG LINDOL”

  1. 407255 466498Somebody necessarily aid to make seriously articles I may well state. That could be the really 1st time I frequented your web page and to this point? I surprised with the research you created to make this actual put up remarkable. Great task! 526217

  2. 896868 45200Overall, politicians are split on the problem of whether Twitter is more for business or private use. The first thing is the fact which you can build up quite a large following of folks. 110819

  3. 896086 443991Hi. Cool article. Theres a problem with the web site in chrome, and you may want to check this The browser will be the marketplace chief and a big component of other folks will miss your excellent writing due to this dilemma. I like your Post and I am recommend it for a Website Award. 809997

Comments are closed.