ISABELA – KINANSELA ang klase sa Barangay Sindom Bayabo sa bayan ng Ilagan noong Biyernes bunsod ng sagupaan ng militar at New People’s Army (NPA) upang hindi madamay ang mga inosenteng sibilyan.
Gayunman, sinabi ni City Information Officer (CIO) Paul Bacungan na balik na sa normal ang sitwasyon sa nasabing barangay at walang naganap na evacuation batay sa pakikipag-ugnayan nila kay Barangay Captain Reggie Mateo.
Ayon pa kay CIO Bacungan, maaaring bukas ay may pasok na ang mga mag-aaral depende sa sitwasyon ng kanilang lugar.
Patuloy naman ang kanilang monitoring sa lugar at pinayuhan din ang mga opisyal ng barangay na maging handa sa anumang hindi kanais-nais na pangyayari sa kanilang lugar. IRENE GONZALES