KLASE SA BICOL SUSPENDIDO DAHIL SA SHEAR LINE

SUSPENDIDO ang klase, kahapon, Enero 8, sa ilang lugar sa Albay, Catanduanes, Sorsogon at Camarines Sur  dahil sa malakas na mga pag-ulan dala ng shear line.

Ang mga walang klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng albay ay ang mga pampubliko at pampribadong paaralan sa Legazpi City, Daraga, Camalig, Malinao, Tabaco City, Manito, Bacacay, Guinobatan, Malilipot, Polangui at Ligao City.

Habang buong lalawigan naman ng Catanduanes ay wala ring pasok sa lahat ng antas.

Sa lalawigan ng Sorsogon, ipatutupad ang synchronous classes  at modular distance learning sa lahat ng antas ng klase ang ipinatupad sa bayan ng  Presentacion, sa Camarines Sur.

Sinabi ni Albay Acting Governor And Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Chair Glenda Ong Bongao, na maaaring magpatupad ng localized suspension ng face-to-face classes ang local government units, batay sa kondisyon sa kanilang lokalidad.

Kahapon ng umaga ay nagpalabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical And Astronomical Services Administration, ng heavy rainfall warning, na indikasyon ng malakas hanggang sa napakalakas na mga pag-ulan na maaaring magresulta sa pagbaha sa low-lying areas at river channels.

EUNICE CELARIO