MAKATI CITY – ILANG lugar sa Maynila at Quezon City ang binaha kahapon sanhi ng biglang pagbagsak ng malakas na pag-ulan dulot ng southwest monsoon rain.
Ayon sa monitoring team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dahil sa idinulot na pagbagsak ng malakas na ulan na dakong alas-4:50 ng madaling araw kahapon ay agad na umabot sa gutter-deep ang baha sa Monumento, EDSA Balintawak, McArthur Highway at A. Bonifacio Avenue.
Nagdulot din ng pagbaha ang malakas na ulan sa R. Papa hanggang tuhod at sa kabutihang palad naman ay nakadaan ang lahat ng sasakyan kung saan dakong alas-8:00 na ng umaga nang humupa na ang baha sa naturang lugar.
Ang biglaang pagbagsak ng ulan ang naging dahilan ng MMDA ng pagsususpinde ng pasok sa mga eskuwelahan kahapon sa area ng Quezon City, Caloocan, Malabon, Manila, Marikina, Navotas at Pasay.
Sa kabila nito, binatikos naman ng ilang netizens ang pagsususpinde ng klase sa mga nabanggit na lugar ng MMDA gayung hindi na naman umulan at naging maaraw naman sa buong maghapon kahapon.
Matatandaan, na nitong nakaraang buwan lamang ay bumuo ng unified guidelines ang Metro Manila Council (MMC) para sa suspensiyon ng klase kung masama ang panahon kabilang dito ang pagbuo ng technical working group na kasama ang mga opisyales mula sa disaster reduction and management offices, Department of Education, Commission on Higher Education, Philippine Atmospheric Geophysi-cal and Astronomical Services Administration, Department of Public Works and Highways at ng Office of Civil Defense. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.