KLASE SA MARIKINA ISANG BUWANG SUSPENDIDO

Marcelino Teodoro

INIANUNSIYO ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na pinalawig pa ng isang buwan ang suspensiyon sa klase sa lahat ng antas sa lungsod.

Ito ay bunsod ng matinding pinsalang tinamo ng kanilang lungsod sa epekto ng bagyong Ulysses.

Paliwanag ni Mayor Teodoro, nananatiling mahina pa rin ang signal ng kanilang internet at napinsala rin ang mga module na ginagamit ng mga estudyante  nang malubog sa baha.

Dahil dito, minarapat niyang bigyan ng tamang panahon ang mga guro, magulang at mag-aaral para ayusin ang kanilang mga kinakailangang kagamitan bago sila muling magpatuloy sa pag-aaral.

Sa Kamara ay nanawagan ang mga kongresista ng suspensiyon ng klase sa mga lugar na sinalanta ng bagyo tulad ng Bikol, Cagayan Valley, Isabela at ilang lugar sa Metro Manila.

Comments are closed.