TAGUIG CITY- BILANG pagtugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagay sa Metro Manila sa community quarantine, sinuspinde ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang lahat ng kanilang klase at competency assessment sa National Capital Region (NCR).
Sa TESDA Circular No. 049-2020 na ipinalabas ni TESDA Secretary Isidro Lapeña, ang lahat ng klase ng TESDA Technology Institutions (TTIs) at Technical Vocational Institutions (TVIs) sa Metro Manila ay suspedido hangang Abril 12.
Ania, dapat na tapusin ng mga tainee ay maaari rin naman nilang kumpletuhin matapos ang suspension ng klase, subalit kinakilangan nilang magdagdag ng oras para sa training.
Lahat din ng mass gatherings ng TESDA sa NCR ay ipintagili na rin pansamantala pati na rin ang flag raising ceremonies, in-house trainings, at iba pang events na may malaking grupo ay pansamantalang suspendido rin.
Sinabi rin ni Lapeña na suspendido rin ang trabaho sa TESDA Central Office,TESDA-NCR kasama na ang kanilang mga district offices, ang regional office ng TESDA-CALABARZON at lahat ng kanilang opisina sa Metro Manila.
Magsasagawa rin ang TEDSA na skeletal workforce upang maipagpatuloy nila ang pagbibibay ng serbisyo-publiko. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.