KLASE SINUSPINDE DAHIL SA NATIONAL FAMILY WEEK

family week deped

NAG-ANUNSIYO na ang Department of Education (DepEd) ng suspensiyon ng klase ng mga estudyante at emple­yado   kahapon mula alas-3:00  ng hapon bilang paggunita sa ika-27 National Family Week.

Sa memorandum mula sa DepEd, inatasan nito ang lahat ng kanilang tanggapan at mga pampublikong paaralan na patunugin ang kanilang mga bell, eksakto alas-dose ng tanghali  kahapon at ma­ging ngayong araw bilang simbolo ng ‘nationwide awareness’ at ‘commitment’ sa pagkakaisa ng bawat pamilyang Filipino.

Samantala, napili naman ng National Committee on the Filipino Family ang temang “Tungo sa Maginhawa, Matatag, at Panatag na Pamilyang Pilipino” bilang tema ng naturang selebrasyon ngayong taon.