BATANGAS- SINUSPINDE kahapon ang lahat ng antas ng klase sa Calaca City dahil sa magnitude quake na 5.0.
Natunton ang epicenter ng tectonic-in-origin sa layong 14 kilometro Timog Kanluran ng Calaca City, alas 8-24 ng umaga.
Ang class suspension ay agad ipinag-utos ni Mayor Nas Ona at inatasan ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng damage assessment.
Kabilang sa sisiyasatin ang mga gusali ng paaralan at iba pang tanggapan upang matiyak na ligtas ang mga ito.
Sinabi naman ni Rafael Cuevas ng Calaca City Disaster Risk Reduction Office, walang naiulat na nasawi o nasaktan sa halos sampung segundong pagyanig.
Samantala, naitala ang Intensity 5 sa Batangas City, Lemery, Batangas; Intensity 4 sa Muntinlupa; Sta. Teresita, Batangas; Intensity 3 sa Tagaytay city, Cavite; Talisay, San Jose, Lipa, Padre Garcia, at Laurel, Batangas; Intensity 2 sa General Trias, Cavite; Pateros, Quezon City, Valenzuela city, Pasay sa Metro Manila; Meycauayan, bulacan; Santa Cruz, San Pablo, Laguna at Intensity 1 sa Pasig, Caloocan.
EUNICE CELARIO