CAGAYAN – IDINEKLARA ng lokal na pamahalan ng Amulung, Baggao sa lalawigang ito ang suspensiyon sa lahat ng antas ng klase sa kanilang nasasakupan.
Ito bunsod ng patuloy na pag-ulan sa nasabing lugar na dulot ng shear line, isang weather system na nagdadala ng kaulapan at ulan.
Nilayon ng pamahalaang lokal na maproteksyonan ang mga mag-aaral, guro at iba pang school worker laban sa mga pag-ulan at maging pagguho dahil maaaring lumambot ang lupa dahil sa ulan.
Samantala, wala rin pasok ang klase sa ilang lungsod sa Negros Occidental bunsod ng nagpapatuloy na pag-alboroto ng bulkang kanlaon.
Kabilang sa mga walang pasok ay ang all levels sa La Carlota City, hanggang Enero 3 at magpapatupad ng blended learning delivery modality.
Wala ring pasok sa Las Castellana sa all levels. Pinayuhan naman ang mga residente sa lugar na laging i-monitor ang anunsyo hinggil sa pag-aalburuto ng Bulkang Kanlaon.
EUNICE CELARIO