MANANATILING suspendido ang klase sa bansa hangga’t wala pang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na ianunsiyo ng Department of Education (DepEd) na muli nang magbubukas ang klase sa Agosto.
Ayon sa Pangulo, hindi nito isasapalaran ang kaligtasan ng mga estudyante habang walang bakuna para sa COVID-19.
Samantala, umaasa naman ang Pangulo na magkakaroon na ng bakuna bago pa man matapos ang taon.
Sa kasalukuyan ay sinusubukan ng Department of Science and Technology (DOST) ang paggamit ng virgin coconut oil na pandepensa sa COVID-19.
Comments are closed.