KLASE SUSPENDIDO SA DAVAO DAHIL SA M5.9 NA LINDOL

DAVAO DE ORO- AGAD na sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa New Bataan, Davao de Oro matapos tumama ang magnitude 5.9 na lindol sa munisipyo, Biyernes ng umaga.

Ayon kay Local Chief Executive Geraldford Balbin, sa magnitude 6.2 na lindol na naranasan ay inaasahan na ang pinsala at aftershocks kung kaya’t nagsuspinde ng klase sa lahat ng antas sa Munisipyo ng New Bataan kahapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang pagyanig sa layong 24 kilometro timog-silangan ng New Bataan alas-2:38 ng madaling araw na tectonic ang pinagmulan, at may lalim na limang kilometro.

Ang mga sumusunod na instrumental intensities ng lindol ay naitala sa mga lugar na ito: Intensity 4 (moderately strong) – Nabunturan, Davao de Oro,Intensity 3 (mahinang vibrations) – Pikit, Cotabato; Malungon, Sarangani; Columbio, Sultan Kudarat
Sm Wala pang kumpirmadong ulat ng mga nasaktan o nasirang imprastraktura.
EVELYN GARCIA