DAVAO OCCIDENTAL- SINUSPINDE ng lokal na pamahalaan ng lalawigang ito ang klase sa lahat ng pribado at pampubliko paaralan makaraan ang magnitude 6.4 earthquake na tumama sa Sarangani Island.
Naganap ang pagyanig dakong alas- 7:21 ng gabi nitong Miyerkules kung saan inatasan ni Governor Atty. Franklin Bautista ang lahat ng mga local government unit na magsagawa ng inspection sa mga school building upang matiyak na walang madidisgrasya sakaling may pagguho.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, (Phivolcs) naramdaman ang malakas na pagyanig na Intensity 5 sa Sarangani at Don Marcelino sa Davao Occidental; Kiamba at
Malungon sa Sarangani at City of Digos sa Davao del Sur kung saan naramdaman ang malakas na pag-uga sa mga gusali habang matinding paggalaw ng mga gamit na nakasabit.
Intensity 4 naman ang naramdaman ng mga umaandar na heavy truck sa General Santos, Koronadal, Tupi, T’Boli, at Polomolok sa South Cotabato; Jose Abad Santos sa Davao Occidental; Palimbang at Esperanza sa Sultan Kudarat.
Samantala, Intensity 3 sa Davao City, Alamada, Banisilan, Kidapawan, Magpet, Makilala, M’lang, Matalam, Pigcawayan, at Tulunan, Cotabato, Calamansig, Lambayong, President Quirino, Senator Ninoy Aquino, at Tacurong, Sultan Kudarat. Lake Sebu, Tampakan, Santo Niño, at Surallah, South Cotabato.
Intensity 2 naman sa Zamboanga City, Antipas, Arakan, Libungan, at President Roxas, Cotabato; Bagumbayan, Sultan Kudarat, San Fernando, at Kalilangan; Bukidnon, City of Gingoog, Misamis Oriental, Tantangan, South Cotabato, Cotabato City, Datu Odin Sinsuat, at Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Habang Intensity 1 sa Cagayan de Oro City, Pangantucan at Cabanglasan, Bukidnon; Aleosan, Cotabato.
EUNICE CELARIO