KNICKS PINISAK ANG BUCKS

TUMAPOS si Julius Randle na may game-high 32 points at tinulungan ang kanyang koponan na makabalik mula sa 21-point deficit sa second quarter nang pataubin ng bisitang  New York Knicks ang Milwaukee Bucks, 113-98, Biyernes ng gabi para putulin ang two-game losing streak.

Nagtala si Randle ng 11-for-22 mula sa field at nagdagdag ng 12 rebounds, 4 assists at 2 blocked shots at na-outscore ng Knicks ang Bucks, 94-60, sa huling tatlong  quarters. Nagsalansan si RJ Barrett ng 20 points, 7 rebounds at 3 assists sa kanyang ika-5 sunod na laro na may hindi bababa sa 20 points.

Nagdagdag si Derrick Rose ng 23 points, 8 rebounds at 4 assists mula sa bench para sa New York, na nadominahan ang  Bucks sa paint, 54-28.

Nanguna si Giannis Antetokounmpo para sa Milwaukee na may 25 points at nagdagdag ng 7 rebounds at 4 assists. Kumana si Grayson Allen ng season highs na 22 points at anim na 3-pointers bukod pa sa 5 rebounds.

Nets 96,

Pistons 90

Nagbuhos si Kevin Durant ng 29 points, 10 rebounds at 5 assists at napigilan ng Brooklyn ang late rally ng host Detroit upang maitarak ang ika-4 na sunod na panalo.

Nakalikom si LaMarcus Aldridge ng 16 points at 5 rebounds para sa Nets, at nag-ambag si James Harden ng 13 points, 10 rebounds at 10 assists ngunit nakagawa rin ng 9 turnovers.

Nagbida si Cade Cunningham para sa Pistons na may 17 points, kabilang ang pares ng 3-pointers nang tapyasin ng Detroit ang 16-point deficit sa isang puntos, may dalawang minuto ang nalalabi. Nagdagdag si Kelly Olynyk ng 14 points at 10 rebounds.

Warriors 126,

Pelicans 85

Kumamada si Jordan Poole ng game-high 26 points upang pangunahan ang Golden State kontra New Orleans sa San Francisco.

Tumabo si Stephen Curry ng 19 points para sa Golden State na abante ng apat na puntos lamang sa halftime bago nagpasabog sa second half para sa kanilang ikatlong sunod na panalo at ika-7 sa walong laro.

Naglaro na wala sina Zion Williamson (foot surgery) at Brandon Ingram (sore hip), nalasap ng Pelicans ang ika-6 na sunod na pagkabigo sa kabila ng 20 points at 15 rebounds ni Jonas Valanciunas.

Cavaliers 102,

Raptors 101

Isinalpak ni Darius Garland ang dalawang free throws, may 4.8 segundo sa orasan, at pinutol ng bisitang Cleveland ang five-game winning streak ng Toronto.

Nakakuha ng foul si Garland habang patungo sa basket makaraang manalo si Collin Sexton sa jump ball. Ang  free throws ni Garland, na naitala ang 12 sa kanyang 21 points sa fourth quarter, ay nagbigay sa  Cavaliers ng kanilang unang kalamangan sa laro. Nasayang nina OG Anunoby at  Scottie Barnes ang mga pagkakataon na ibigay sa Toronto ang panalo sa mga huling segundo.

Tumipa si Evan Mobley ng 18 points para sa Cavaliers, na nanalo ng tatlong sunod. Tumapos si Anunoby na may game-high 23 points habang nagtala si Fred VanVleet ng 18 points para sa Toronto.

Sa iba pang resulta: Wizards 115, Grizzlies 87; Spurs 102, Magic 89; Trail Blazers 110, Pacers 106; Kings 140, Hornets 110.