HUMATAW si Karl-Anthony Towns ng 31 points at naitala ni Josh Hart ang kanyang ikalawang sunod na triple-double upang igiya ang New York Knicks sa kanilang ika-9 na sunod na panalo sa NBA kahapon, 119-103, kontra Utah Jazz.
Pinunan nina Towns at Hart ang pagliban nina leading scorer Jalen Brunson at Miles McBride.
Nagdagdag si Towns ng 21 rebounds at umiskor si Hart ng 15 points na sinamahan ng 14 rebounds at 12 assists at nag-ambag si Mikal Bridges ng 27 points.
“Over the course of a season, whether it’s injury, illness, foul trouble — you need everybody,” wika ni Knicks coach Tom Thibodeau hinggil sa kakayahan ng kanyang koponan na mapanatili ang init sa kabila ng kakulangan sa players.
“As a team, if you prioritize winning and doing what’s best for the group, that’s what makes it enjoyable,” aniya. “You have everyone committed to each other. When you do that, good things come from that.”
Nagtala sina Collin Sexton at Jordan Clark ng tig- 25 points para sa Utah, subalit nalasap ng Jazz ang ika-5 sunod na kabiguan.
Sa Detroit, dinispatsa ng Pistons ang Orlando Magic, 105-96, subalit bumagsak si Jaden Ivey at tila nagtamo ng serious leg injury sa kaagahan ng fourth quarter.
Si Ivey ay bumangga kay Magic guard Cole Anthony habang nag-aagawan sila sa loose ball.
Kalaunan ay isinakay siya sa stretcher palabas ng court.
“To see something like that — it’s devastating for the whole group,” sabi ni teammate Tobias Harris sa NBA Network matapos ang laro.
“Obviously, it’s a big win for us, but after the game it’s just the group coming together in prayer.”
Kumamada si Cade Cunningham ng 19 point, 8 rebounds, at 9 assists. Nagposte si Jalen Duren ng 18 points at kumalawit ng 11 rebounds at umiskor si Harris ng 17 points para sa Pistons, na hindi kailanman nalamangan.
Samantala, pinutol ng Toronto Raptors, pinalakas ng pagbabalik ni Immanuel Quickley, ang kanilang 11-game losing streak sa 130-113 home victory kontra Brooklyn Nets.
Gumawa si Scottie Barns ng 33 points at humugot ng 13 rebounds at nagdagdag si Quickley — na lumiban sa 22 games dahil sa torn elbow ligament — ng 21 points at 15 assists upang tulungan ang
Toronto na makabawi mula sa demoralizing 54-point loss sa Celtics sa Boston noong New Year’s Eve.
Umiskor si Cameron Johnson ng 24 points upang pangunahan ang Nets at nagdagdag si D’Angelo Russell, kadarating lamang sa isang trade mula sa Los Angeles Lakers, ng 22 mula sa bench.