KNICKS TUMABLA SA HEAT; LAKERS NAKAUNA SA WARRIORS

Anthony Davis

UMISKOR si Jalen Brunson ng 30 points upang pangunahan ang host New York Knicks sa 111-105 panalo kontra Miami Heat at maitabla ang kanilang Eastern Conference semifinal series sa 1-1 nitong Martes.

Bumuslo si Brunson ng 10-of-19 shots mula sa floor – kabilang ang 6-of-10 mula sa three-point range – para sa fifth-seeded Knicks.

Nakatakda ang Game 3 ng best-of-seven series sa Sabado sa Miami.

Nakakolekta si New York’s Julius Randle ng 25 points, 12 rebounds, at 8 assists sa kanyang pagbabalik makaraang lumiban sa series opener dahil sa sprained left ankle.

Isinalpak ni RJ Barrett ang limang three-pointers upang tampukan ang kanyang 24-point performance. Nagdagdag si Josh Hart ng 14 points, 11 rebounds, at 9 assists.

Hindi naglaro si Miami leading scorer Jimmy Butler sa Game 2 makaraang magtamo ng sprained right ankle sa fourth quarter ng series opener noong Linggo.

Nagtala si Caleb Martin ng 22 points at 8 rebounds, at nag-ambag si Gabe Vincent ng 21 points para sa eighth-seeded Heat.

Tumapos si Max Strus na may 17 points at kumubra si Bam Adebayo ng 15 points, 8 rebounds, at 6 assists.

Lakers 117, Warriors 112

Napigilan ni D’Angelo Russell ang Golden State Warriors rally sa pagsalpak ng tiebreaking hoop, may 1:24 ang nalalabi, nagbuhos si Anthony Davis ng 30 points at 23 rebounds, at kinuha ng Los Angeles Lakers ang Game 1 ng Western Conference semifinals laban sa defending champs sa San Francisco.

Magpapatuloy ang best-of-seven series sa Huwebes sa San Francisco.

Ang interior hoop ni Russell ay matapos na umiskor ang Warriors ng 14 sunod na puntos upang itabla ang iskor makaraang maghabol sa 112-98, may 5:58 sa orasan.

Nagtala si LeBron James ng double-double para sa seventh-seeded Lakers, na may 22 points at 11 assists, habang tumapos sina Russell at Dennis Schroder na may tig- 19 points. Nag-ambag sinAustin Reaves ng 10 points.