KNICKS VS PACERS SA EAST S’FINALS

NAGBUHOS si Jalen Brunson ng game-high 41 points, binasag ni Josh Hart ang late tie sa isang 3-pointer at sinibak ng New York Knicks ang Philadelphia 76ers sa NBA play-offs sa 118-115 panalo sa Game 6 ng kanilang best-of-seven series nitong Huwebes.

Sa bisa ng 4-2 series win, makakaharap ng second-seeded Knicks ang sixth-seeded Indiana Pacers sa Eastern Conference best-of-seven semifinal series. Nakatakda ang Game 1 sa Lunes sa New York.

Nagtatangka sa ikalawang panalo sa tatlong pagbisita sa Philadelphia sa series, ang Knicks ay abante sa 107-99, may 3:26 ang nalalabi, bago humabol ang desperadong 76ers at naitabla ang talaan sa 111-111
sa three-point play ni Tyrese Maxey na kinabilangan ng goal-tending call kay Isaiah Hartenstein, may 34.9 seconds ang nalalabi.

Pagkatapos ay sumandig ang Knicks kay Brunson, na humugot ng depensa at nakitang libre si Hart
para sa straightaway 3-pointer na nagbigay sa bisita ng 114-111 kalamangan, may 25.6 segundo sa orasan.

Sinelyuhan nina Donte DiVincenzo at Brunson ang panalo sa pagsalpak ng tig-dalawang free throws.

Tumapos si Hart na may 16 points at game-high 14 rebounds, habang nakalikom si Donte DiVincenzo ng 23 points, nagtala si OG Anunoby ng 19 at nagdagdag si Hartenstein ng 14.

Nanguna si Joel Embiid para sa 76ers na may 39 points at team-high 13 rebounds bago na-foul out sa final seconds. Naipasok niya ang 12 sa kanyang 25 shots at ang lahat ng kanyang 13 free-throw attempts.

PACERS 120, BUCKS 98

Umiskor si Obi Toppin ng 21 points at nagdagdag si T.J. McConnell ng 20 nang patalsikin ng Indiana
Pacers ang Milwaukee Bucks sa Game 6 ng Eastern Conference first-round series sa Indianapolis.

Nag-ambag si Toppin ng 8 rebounds at nagbigay si McConnell ng 9 assists habang naitarak ng sixth-seeded Pacers ang 50-10 edge sa bench points upang maiposte ang 4-2 win sa best-of-seven series.

“Our bench has been great all season long, appreciate this guy (McConnell) for that,” wika ni Toppin.
“… Everybody on our team knows their job, and we just give 110 percent.”

Umiskor si Pascal Siakam ng 19 points, nakakolekta si Tyrese Haliburton ng 17 points at 10 assists at tumipa si Aaron Nesmith ng 15 points upang dalhin ang Pacers sa kanilang unang playoff series
win magmula noong 2014.

“Lot of respect to Milwaukee’s team,” pahayag ni Indiana coach Rick Carlisle. “… To knock them out is difficult. It is really difficult. Congratulations to our guys. First time in 10 years our fans have had this kind of feeling.”

Bumuslo ang Indiana ng 54.1 percent mula sa floor at may 21-6 edge sa fastbreak points upang gapiin ang Milwaukee sa ika-5 pagkakataon sa parehong dami ng home games sa regular season at playoffs.

Humataw si Milwaukee’s Damian Lillard ng 28 points sa kanyang pagbabalik mula sa two-game absence dahil sa right Achilles tendinitis.

Nagposte si Brook Lopez ng 20 points at nagdagdag si Bobby Portis ng 20 points at 15 rebounds para sa third-seeded Bucks, na bumuslo lamang ng 7 of 27 attempts (25.9 percent) mula sa 3-point range.

Naglaro ang Milwaukee sa buong series na wala si two-time NBA MVP Giannis Antetokounmpo, na nagtamo ng calf injury noong April 9.