HINIYA ng De La Salle-College of St. Benilde (CSB) Blazers ang Final 4-bound Colegio de San Juan de Letran, 94-81, sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Buhay pa ang pag-asa ng Blazers para sa Final 4 makaraang kuwestiyunin nito ang eligibility ng ilan sa players ng University of Perpetual Help, at habang hinihintay ang desisyon ng NCAA Policy Board ay nagpakitang-gilas sila sa kanilang huling asignatura.
Nagbuhos si Clement Leutcheu ng 19 points sa 8-of-12 shooting, habang kumana sina Yankie Haruna (15 points), Carlo Young (13 points) at Justin Gutang (12 points) ng double-digits para sa Blazers, na tinapos ang elimination round na may 10-8 kartada.
“Having a first non-losing season for us is already an achievement,” wika ni CSB head coach TY Tang, na ang Blazers ay may apat na panalo lamang sa Season 93.
“Having more wins than losses, it’s been a long time since we’ve been at this kind of level,” aniya.
Pinutol ng CSB ang six-game winning streak ng Letran, at inihatid ang Knights sa Final 4 na may 13-5 marka.
Tumapos si Bong Quinto na may 22 points, 7 rebounds at 4 assists para sa Knights, habang umiskor sina JP Calvo at Batiller ng tig-13 points.
Makakasagupa ng Knights ang Lyceum of the Philippines University sa semis, kung saan ang Pirates ay armado ng twice-to-beat bonus.
Iskor:
St. Benilde (94) – Leutcheu 19, Haruna 15, Young 13, Gutang 12, Carlos 8, Dixon 8, Naboa 6, Nayve 6, Belgica 4, Pasturan 3, Barnes 0, Pagulayan 0, Velasco 0.
Letran (81) – Quinto 22, Batiller 13, Calvo 13, Ambohot 9, Fajarito 7, Muyang 6, Agbong 3, Celis 3, Yu 3, Banez 2, Balagasay 0, Galvelo 0, Mandreza 0, Pambid 0.
QS: 29-20, 50-36, 65-52, 94-81.
Comments are closed.