KNIGHTS SA ‘FINAL 4’; PIRATES NO. 2 SEED 

NCAA

Mga laro sa Martes:

(Filoil Flying V Centre)

12 noon – Mapua vs Perpetual (Men)

2 p.m. – SSC-R vs Arellano (Men)

4 p.m. – CSB vs JRU (Men)

PORMAL na kinuha ng Letran ang ikalawang sunod na Final Four appearance habang sinelyuhan ng Lyceum of the Philippines University ang No. 2 ranking sa  post-season sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Pinangunahan nina Jerrick Balanza at Christian Balagasay, ang mga nalabi sa  2015 Knights team na kumarera sa kampeonato, ang Letran sa pagdispatsa sa already-eliminated University of Perpetual Help System Dalta, 88-69, para sa kanilang ila-11 panalo sa 17 laro.

Naibalik ng Pirates ang kanilang winning ways sa pamamagitan ng 77-64 pagbasura sa also-ran Jose Rizal University.

May 13 panalo sa 17 laro, makakasagupa ng LPU  ang wala pang talong San Beda sa rematch ng last year’s Finals sa Huwebes. Umaasa ang Pirates na mapigilan ang awtomatikong pag-abante ng Red Lions sa championship round.

Nagbuhos si Balanza ng 18 points habang gumawa rin si Balagasay ng 18 points, isang career-high, 5 rebounds at 2 assists para sa Knights.

Sa no-bearing match, nagpakawala si Renz Gonzales ng 13 points sa unang tatlong periods nang mapantayan ng Emilio Aguinaldo College ang kanilag four-win output noong nakaraang season sa pamamagitan ng 77-50 panalo laban sa Arellano Uni-versity.

Iskor:

Unang laro:

Letran (88) – Balanza 18, Balagasay 18, Ular 17, Yu 14, Batiller 6, Caralipio 6, Ambohot 3, Mina 3, Reyson 2, Muyang 1, Pambid 0, Guarino 0, Javillonar 0, Sangalang 0.

Perpetual (69) – Charcos 15, Razon 15, Peralta 13, Aurin 11, Adamos 10, Guissani 5, Barasi 0, Tamayo 0, Martel 0, Cuevas 0, Lanoy 0, Sevilla 0, Lucero 0.

QS: 22-16, 50-30, 68-53, 88-69

Ikalawang laro:

LPU (77) – JC. Marcelino 23, Nzeusseu 15, Tansingco 10, Caduyac 9, David 6, Santos 6, JV. Marcelino 5, Ibañez 3, Navarro 0, Yong 0, Remulla 0.

JRU (64) – Delos Santos 19, Aguilar 16, Miranda 10, Dela Rosa 9, Amores 6, Dionisio 2, Vasquez 2, Arenal 0, Jungco 0.

QS: 15-14, 43-33, 57-47, 77-64

Ikatlong laro:

EAC (77) – Gonzales 13, De Guzman 12, Mendoza 11, Maguliano 8, Gurtiza 8, Taywan 7, Martin 6, Carlos 4, Boffa 2, Corilla 2, Dayrit 2, Luciano 2, Cadua 0, Estacio 0.

Arellano (50) – Salado 14, Arana 13, Espiritu 7, Sablan 5, Bayla 4, Oliva 4, Gayosa 3, Alcoriza 0, Concepcion 0, De Guzman 0, Sacramento 0, Segura 0, Sunga 0, Talampas 0.

QS: 16-15. 36-27, 63-40, 77-50