NATAKASAN ng Letran ang University of Perpetual Help System Dalta, 77-75, upang makausad sa Finals sa ikalawang sunod na season sa NCAA men’s basketball tournament nitong Linggo sa Filoil Flying V Centre.
Matikas na nakihamok ang fourth-ranked Altas sa back-to-back title-seeking Knights bago kinapos sa kanilang kampanya na maihatid ang Final Four sa deciding game.
Sumablay si Jielo Razon sa potential game-winning triple sa mga huling segundo, na nagbigay-daan para mahila ng Letran ang perfect run nito sa 10 games.
Napantayan ni Rhenz Abando ang kanyang career-high 24 points na tinampukan ng dalawang crowd-pleasing slam dunks, na sinamahan ng 3 rebounds, 2 assists at 2 steals habang nagtala si Jeo Ambohot ng double-double na 14 points at 14 boards para sa Knights.
Tumipa si Fran Yu ng 13 points, kabilang ang isang free throw na nagbigay sa Knights ng two-point lead sa huling 7.4 segundo, 5 rebounds at 3 assists.
Nanguna si Razon para sa Perpetual na may 21 points, 11 rebounds at 4 assists habang nagdagdag si Jeff Egan ng 14 points, 4 assists at 2 steals para sa Perpetual.
Sa ikalawang laro, binura ng San Beda University Red Lions ang 10-point fourth quarter deficit tungo sa 73-67 overtime win kontra Mapua University upang maipuwersa ang Final Four decider.
Kumana si James Kwekuteye ng team-high 17 points para sa Red Lions habang nagdagdag sina Jacob Cortez at Ralph Penuela ng tig-13.
Iskor:
Unang laro:
Letran (77) — Abando 24, Ambohot 14, Yu 13, Paraiso 7, Sangalang 7, Olivario 5, Javillonar 4, Reyson 2, Mina 1, Caralipio 0, Fajarito 0.
Perpetual (75) — Razon 21, Egan 14, Abis 11, Pagaran 8, Omega 7, Boral 6, Barcuma 4, Cuevas 4, Martel 0, Kawamura 0, Sevilla 0.
QS: 20-17, 36-39, 62-55, 77-75
Ikalawang laro:
San Beda (73) – Kwekuteye 17, Cortez 13, Penuela 13, Bahio 9, Alfaro 9, Cometa 3, Jopia 2, Sanchez 2, Abuda 2, Amsali 2, Gallego 1, Cuntapay 0, Andrada 0, Fornis 0, Ynot 0.
Mapua (67) – Bonifacio 18, Hernandez 14, Lacap 12, Nocum 9, Agustin 5, Gamboa 4, Salenga 4, Garcia 1, Pido 0, Asuncion 0, Mercado 0.
QS: 6-12, 25-25, 33-41, 60-60, 73-67 (OT).