KNIGHTS SINIBAK ANG STAGS

Letran

Laro sa Biyernes:

(Cuneta Astrodome)

4 p.m. – Letran vs LPU (Men Step-ladder)

NALUSUTAN ng Letran ang 36-point explosion ni RK Ilagan upang sibakin ang San Sebastian, 85-80, at umabante sa huling bahagi ng NCAA men’s basketball step-ladder semifinals kahapon sa Cuneta Astrodome.

Nakuha ni Fran Yu ang sumablay na ikalawang free throw ni Jerrick Balanza at naipasok ang dalawang charities mula sa foul ni Ken Villapando sa huling 10.4 segundo na nagselyo sa panalo ng Knights.

Makakasagupa ng third-ranked Letran ang No. 2 Lyceum of the Philippines University sa rematch ng Final Four noong nakaraang taon sa Biyernes.

Ang Knights ay sinibak ng Pirates sa semis noong nakaraang season at ang do-or-die second step-ladder ay magandang pagkakataon para makaganti ang Muralla-based dribblers.

Ang magwawagi sa Letran-LPU match ay makakaharap ng unbeaten San Beda sa best-of-three championship series si­mula sa susunod na Martes sa Mall of Asia Arena.

“Ayaw ng mga player ko na last game nila. Gusto nila nilang mag-practice bukas (ngayon),” wika ni Knights coach Bonnie Tan.

“We were outrebounded but a win is a win,” dagdag pa niya.

Nanguan si graduating Jerrick Balanza para sa Knights na may 15 points, 6  rebounds at 4 assists habang nag-ambag si Bonbon Batiller ng 14 points, 4  assists at 3 boards.

Iskor:

Letran (85) – Balanza 15, Batiller 14, Mina 12, Muyang 11, Ular 10, Yu 10, Caralipio 9, Balagasay 4, Ambohot 0, Olivario 0, Reyson 0, Sangalang 0, Javillonar 0.

SSC-R (80) – Ilagan 36, Bulanadi 15, Villapando 8, Calahat 7, Capobres 5, Altamirano 5, Desoyo 2, Sumoda 1, Cosari 1, Calma 0, Isidro 0.

QS: 23-20, 50-40, 69-59, 85-80

Comments are closed.