SUMANDAL ang Letran sa kanilang bench nang magkumahog ang mga lider na sina John Quinto at JP Calvo upang pataubin ang Emilio Aguinaldo College, 91-82, at mapahigpit ang kapit sa No. 3 spot sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Nakakuha ang Knights ng 44 points mula sa kanilang bench, kabilang ang 15 mula kay Jeremiah Taladua at 13 kay seldom-used Fran Yu, na kapwa career-high efforts, upang tumatag sa ikatlong puwesto na may 9-4 record.
Nanatili silang abante ng isang laro sa College of St. Benilde Blazers, na nasa No. 4 na may 8-5 kartada.
“Good win for us at least we are still one game ahead,” wika ni Letran coach Jeff Napa. “But we can’t stay complacent, we still have to work and prepare for our next game.”
Nagposte rin si Nico Galvelo ng career-best 15 points, tatlong laro makaraang kunin ang starting job mula kay Jerrick Balanza, na hindi na makapaglalaro sa buong season makaraang sumailalim sa operasyon nang tanggalin ang brain tumor kamakailan.
Gumawa lamang sina Quinto at Calvo ng siyam at limang puntos, ayon sa pagkakasunod.
Isa itong season high para sa bench ng Letran na ang naunang best ay 17.
Umaasa naman si Napa na magpapatuloy ito.
“The two struggled,” ani Letran coach Jeff Napa patungkol sa duo nina Quinto at Calvo. “But I’m confident someone will step up and the three (Galvelo, Taladua and Yu) stepped up with their instant offense.
“Hopefully, they could be consistent the rest of the season not just in this game,” dagdag pa niya.
Bumagsak ang Generals sa 2-11 rekord.
Iskor:
Letran (91) – Taladua 15, Galvelo 15, Yu 13, Ambohot 10, Muyang 9, Quinto 8, Fajarito 8, Calvo 5, Celis 5, Mandreza 2, Agbong 1, Balagasay 0, Pambid 0, Banez 0.
EAC (82) – Garcia 20, Laminou 16, Maguliano 16, Tampoc 11, Bugarin 6, Corilla 5, Neri 3, Mendoza 3, Cadua 2, Natividad 0, Gonzales 0.
QS: 18-15; 36-32; 67-54; 91-82.