KNOTT SASABAK NA SA 200-M HEATS NG ATHLETICS

Kristina Knott

SASALANG na si Kristina Knott sa women’s 200 meters heats ng athletics sa Tokyo Olympics ngayong umaga.

Tatakbo si Knott sa Heat 7, ang final heat, na nakatakda sa alas-10:18 ng umaga (Manila time) sa pag-asang mabura ang 23 seconds.

Ang kanyang personal best ay 23.01 seconds, na isang Philippine national record.

“My goal is to go sub-23 (seconds),” wika ni Knott sa Tokyo Olympics official website, ilang araw bago magbukas ang Games noong July 23.

May pitong heats para sa event at batid ni Knott na ngayon na makikita ang resulta ng kanyang pagsasanay.

“It’s championship time. And anything to do with tapering should have been done weeks before,” ani Knott, na naghanda para sa Tokyo sa ilalim ng kanyang coach na si Rohsaan Griffin at ni strength and conditioning coach Carlo Buzzichelli.

“At this point, you should have given everything you and everything you worked, and it will hopefully show at the competition,” dagdag ni Knott.

Ang 200m field ay tinatampukan ng marami sa pinakamahuhusay sa mundo, kabilang sina Gabrielle Thomas ng USA, na nagmamay-ari ng 21.61-second mark sa race, Bahamas’s Shaunae Miller-Uibo (21.47) at Jamaica’s Elaine Thompson Herah (21.66).

Sa heat ni Knott, lima sa kanyang mga katunggali ang may sub-23 times.

“Tapering time is now over. It’s now time to show off and show out,” wika ng Orlando, Florida native na si Knott. CLYDE MARIANO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *