KOBE INALALA NG FANS

Kobe Bryant

ANKARA – Makalipas ang isang taon ay inalala ng kanyang mga tagahanga si basketball legend Kobe Bryant na nasawi sa isang  tragic helicopter crash.

Ginunita ng sports community ang unang anibersaryo ng kamatayan ng dating USA at Los Angeles Lakers superstar sa social media.

Nag-post ang world basketball’s governing body FIBA ng isang video sa  Twitter para ipakita ang dedikasyon ni Bryant sa laro.

“You asked for my hustle, I gave you my heart. #MambaForever,” sabi ng FIBA na may  video na nagpapakita sa matinding depensa ni Bryant para agawin ang bola sa kanyang katunggali sa isang 2007 FIBA Americas Championship group game sa pagitan ng  USA at ng  Brazil.

Ibinahagi rin nito ang mga sandali ni Bryant sa Team USA sa ilang  FIBA tournaments.

Nagbigay-pugay rin si Turkish Basketball Federation President Hidayet Turkoglu, na isa ring dating NBA player, kay Bryant sa  death anniversary nito.

“Legends never die. Rest in peace Mamba. #KobeBryant #MambaForever,” wika naman ni ex-Orlando Magic small forward Turkoglu sa Twitter.

“You will be remembered with good memories… R.I.P. Kobe! #KobeBryant #MambaForever,” ani Turkish football powerhouse Galatasaray.

Si Bryant ay bumisita sa training ng Galatasaray senior team sa Istanbul’s Turk Telekom Stadium noong 2011 at nakipagkita kay Turkish manager Fatih Terim at sa mga player.

“Kobe Bryant… A year without you. Your memories help fill the void in our hearts,” sabi naman ng world famous Italian football club AC Milan sa Twitter.

“LEGENDS ARE FOREVER,” tweet ni Italian basketball club Olimpia Milano bilang pag-alala sa ex-Lakers guard.

Comments are closed.