KOKO PIMENTEL MAY COVID DIN

Sen Koko Pimentel

HINDI lamang si Senador Juan  Miguel Zubiri ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) kung hindi maging si Senador Koko Pimentel.

Ayon kay Pimentel, ipinabatid sa kanya nitong Martes  lamang na positibo siya sa COVID-19 na kung saan isinagawa  ang test noong Biyernes, Marso 20.

“I was informed late last night March 24, 2020 that I have tested positive for the COVID-19 virus. The swab was taken last Friday, March 20, 2020,” ani Pimentel

Gayunpaman, ani Pimentel matapos ang  huling araw ng sesyon noong Marso 11 ay nagpasiya na rin ito na limitahan ang kanyang mga kilos at galaw.

Tatawagan din ni Pimentel  ang kanyang mga nakasalamuha para ipabatid ang resulta ng test na ginawa sa kanya.

“I have quarantined myself upon the doctor’s advice and consistent with the protocol. I feel I am, with God’s help, on the way to recovery,” banggit ni Pimentel.

Humihingi naman ng panalangin si Pimentel  lalo na sa kanyang misis na si Kieth na nakatakda nang manganak  anumang araw  lalo’t hindi niya ito mababantayan dahil sa kasalukuyan niyang kondisyon.

Muli ring pinasalamatan  ni Pimentel ang mga frontliner  o frontline medical worker sa buong bansa sa panganib na kanilang  sinusuong araw- araw sa naturang pandemic

” I want to express again my profound gratitude to our frontline medical workers throughout the country, who are putting their lives at risk on a daily basis to bring a halt to this pandemic. They are the true heroes in this fight,” giit pa niya.

Pinaalalahanan din nito ang sambayanan na ipatupad ang social distancing, enhanced community quarantine measure, pa-lagiang paghuhugas ng kamay at personal hygiene na pinakamabisang paraan para labanan ang COVID -19. VICKY CERVALES

Comments are closed.