SA pagpasok ng huling linggo ng pangangampanya, kabilang sa mga malaki ang iniangat ng puwesto si Senate Trade and Commerce Committee Chair Aquilino “Koko” Pimentel III bunga ng 3 percentage points na nakamit niya sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Abril 28 hanggang Mayo 3 upang mapagtibay ang kanyang posisyon sa 12 kandidatong malaki ang tsansang mag-tagumpay sa Senado sa darating na national midterm elections sa Mayo 13.
Sinalamin din ang posisyon ng reeleksiyonistang senador sa pinakabagong Pulse Asia survey na ginawa noong Abril 10 hanggang 14, na umangat si Pimentel ng apat na puwesto mula sa dating survey ng Pulse Asia noong Marso 23 hanggang 27.
Ipinahayag ng senador mula Mindanao nitong Huwebes na ikinagalak niya ang resulta ng survey na nagpakita ng matatag niyang posisyon habang nalalapit ang pagtatapos ng pangangampanya.
Nakamit aniya ang malakas na laban gayundin ang positibong mga numero ng survey ng mga kandidato ng administrasyon sa pagka-senador dulot ng malakas na suporta ng administrasyong Duterte at ng mga programa at polisiya nito.
“They say in campaigns that messaging is crucial, but no message is as powerful as performance,” giit ng PDP-Laban President. “Surveys have consistently shown that the people are satisfied with the overall performance of the administration and the President, and it is only natural that they would approve of his candidates as well.”
Sa huling SWS survey, ipinakitang nakakuha ang administrasyong Duterte ng record-high approval ratings na 81% ng mga Filipino na ang nagpadama ng satispaksiyon sa pamahalaang nasyonal.
Tinukoy pa ni Pimentel na sa iba’t ibang isyung itinanong sa survey, nakakuha rin ang administrasyon ng 81% para sa kapakanan ng mga mahihirap, na para kay Pimentel ay isang indikasyon ng resulta ng mga lehislaturang naipasa sa loob ng unang tatlong taon ng administrasyong Duterte.
“When I was Senate President, we passed laws providing free college education, free irrigation, and free wifi, and these initiatives—coupled with government efforts to improve social services—have really been welcomed by our countrymen, who want a government that genuinely cares for them and works to improve their welfare,” dagdag ni Pimentel.