KOLEHIYONG NAG-FACE TO FACE CLASSES IIMBESTIGAHAN NG CHED

CHED

ISABELA – IIMBESTIGAHAN ng Commission on Higher Education (CHED) Region-2 ang isang kolehiyo sa Cauayan City na nag-face to face classes sa gitna ng pandemya sa bansa.

Ito ay makaraang magpositibo ang isang estudyante na kumukuha ng earning units ng education sa nasabing kolehiyo.

Sa  pahayag ni Dr. Julieta Paras, regional director ng CHED Region-2 na hindi pa nila pinahihintulutan ang face to face classes sa mga paaralan kaya kinakailangang siyasatin ang nabanggit na kolehiyo kung lumabag sa kanilang panuntunan.

Sa sandaling matapos na ang pagsisiyasat ay agad ilalabas nito ang resulta kung may nilabag ang pamunuan ng paaralan. IRENE GONZALES

Comments are closed.