NAHIGITAN ng performance ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay ang tax collections ng BIR noong mga nakalipas na taon, ayon sa statistics ng Department of Finance (DOF) at ng National Economic Development Authority (NEDA).
Lumilitaw na sapul nang umupo si Commissioner Billy bilang chief ng BIR, napataas nito nang husto ang tax collections ng kawanihan, mula sa dating bilyon-bilyong pisong buwis na kinokolekta ay umabot na ito sa trilyong piso.
Naniniwala sina Metro Manila BIR Regional Directors Marina De Guzman (Quezon City), Romulo Aguila, Jr. (City of Manila), Manuel Mapoy (Caloocan City) at Glen Geraldino (Makati City) na ang pagtaas ng tax collections ay indikasyon na gumaganda ang ekonomiya at financial standings ng bansa dahil damang-dama ang paglago ng negosyo at kalakalan sa Filipinas.
Nanguna, gayunman, sa paglobo ng tax collections ang Large Taxpayers Service (LTS) sa ilalim ng pamumuno ni BIR Assistant Commissioner Tess Dizon na sinundan ng regional levels sa pamamagitan ng revenue district levels, ayon kay BIR Senior Deputy Commissioner for Operations Lawyer Arnel Guballa.
Ang bulto ng koleksiyon mula buwan ng Enero hanggang Mayo ay itinala ng Large Taxpayers Service na ang halos 60 percent ng kabuuang tax collection goal ay LTS ang kumolekta.
Sinundan ito ng National Capital Region na binubuo ng City of Manila, Mandaluyong City, Marikina City, Pasig City, San Juan City, Quezon City, Caloocan City, Malabon/Navotas Cities, Valenzuela City, Las Piñas City, Makati City, Muntinlupa City, Parañaque City, Pasay City at Taguig/Pateros Cities.
Sumunod na rito ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga at Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Upang lalo pang mapalakas ang tax collections ng BIR, ipinagpatuloy ng BIR regional directors at mga revenue district officer, sa utos ni Commissioner Dulay, ang pagsasampa ng criminal charge of tax evasions laban sa mga businessmen, corporate at individual taxpayers sa iba’t ibang korte para habulin ang buwis na hindi nila nababayaran at upang mapatawan ng kaukulang kaparusahan dahil sa pandaraya at ‘di pagtupad sa kanilang yearly tax obligations, alinsunod sa itinatadhana ng probisyon ng National Internal Revenue Tax Code.
Kabilang sa mga kinasuhan ay ang Chopil Manpower Services Corporation, Mark Steel Construction Corporation, Bernard Ballesta Rabanzo, Daeah Philippines, Inc., Job 1 Global Inc., Modern Tex Inc., Strong Global Philippines, Inc., Stone Global Philippines, Inc. at Yarntech Manufacturing Corporation.
Kinasuhan din sa korte ang GP Synergia Technologies Corporation, Drill Corp Philippines, Inc., IP Swee Bin, Arthur Agustin Villaba, A-Mark Trading & General Merchandise, Joteo Harware & Construction Supply, Inc., Microlipters International Corporation, Dopilpatru, Inc., Huile Corporation, Lifedata System Inc., at New Culion Builders Corporation, System Energizer Corporation.
Sinampahan din ng tax evasions sa korte ang mga kompanyang Cool Breeze Resort, Don Bosco Private Resort, Labelle Resort at Pearl Sal Private Resort.
Sinabi ni Commissioner Billy na hindi nila tatantanan ang sinumang corporate o individual taxpayer na patuloy na nandaraya sa pagbabayad ng buwis upang kasuhan at habulin sa kanilang mga pagkakautang sa gobyerno.
Nakatuon ang pansin ng lahat ng regional directors at revenue districts officers sa pag-monitor sa mga mangangalakal upang manmanan kung ang mga ito ay nagbabayad ng tamang buwis upang hindi sila makasuhan ng tax evasion.
Sinabi ng BIR chief, na hindi sila natutulog at laging bukas ang kanilang mata para bantayan ang mga nandaraya ng buwis upang papanagutin sa batas at mahabol ang hindi nababayaran sa gobyerno.
Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09293652344 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.