KOLEKSIYON NG BUWIS PAIIGTINGIN PA

Erick Balane Finance Insider

ANG Department of Finance ( DOF) sa ilalim ng liderato ni Finance Secretary Ralph Recto ay magpapatupad ng mga makabagong pamamaraan upang mapalakas pa ang koleksiyon ng buwis ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ngayong fiscal year.

Ang mga planong hakbang ay ang mga sumusunod:

  1. Pagpapatibay ng Digital Transformation na binuo upang mapataas ang koleksiyon sa Income Tax at Value Added Tax sa pamamagitan ng pagpapabuti ng administrasyon sa buwis at kahusayan sa paggamit ng digital na pamamaraan.
  2. Pagpapalawak ng Commerce Taxation na nagtatakda ng mas mataas na layunin sa koleksiyon at sa panig ng BOC ay aktibong implementasyon ng ICT enabled clearance system para sa express shipment at pagbuo ng mga Customs Administration Order (CAO) at Customs Memorandum Order (CMO) para sa commerce upang maiwasan ang pagtagas ng kita.
  3. Pagpapatupad ng Enhanced Value References Information System (e-VRIS), isang mahalagang kasangkapan sa pagtaas ng panganib ng ginagamit para sa pagprotekta ng kita ng gobyerno at pagpapadali ng kalakaran.
  4. Pagpapalakas ng border control ng BOC sa pagpapatibay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba pang ahensiya para ganap na masugpo ang smuggling activities.
  5. Pagpapatupad ng mga alituntunin ng National Customs Intelligence System (NCIS) para mapahusay ang auctionble intelligence, pagbuo ng mga kaso at pagsasagawa ng mga profilling analysis sa pagbuwag sa smuggling syndicates.
  6. Pagpapalakas ng programa sa pagbabayad ng buwis, pagpasa ng mga panukalang batas tulad ng Real Property Valuation and Assessment Reform (RPVAR-VAT) sa mga non-resident digital service provider at VAT refund para sa mga resident tourist upang mapabuti ang koleksiyon sa buwis.

Ikinagalak naman ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang magandang tax collection performance na ipinamalas nina BIR Assistant Commissioner for Large Taxpaters Jethro Sabariaga, gayundin nina BIR Regional Directors Wrenolph Panganiban (Caloocan City),  Renato Molina (City of Manila), Mahinardo Mailig (Quezon City), Albino Galanza (East NCR),  Dante Tan (Makati City) at South NCR  Director Edgar Tolentino.

Kabilang sa hanay ng BIR top performers sina Metro Manila Revenue District Officers Cherry Ibaoc (Quiapo-Sampaloc, San Miguel, Sta. Mesa),  Trinidad Villamil (Ermita-Intramuros-Malate), Agatha Kristie Buzon (Tondo, Sanicolas), Caroline Takata (Binondo), Rebe Detablan (Sta. Cruz).  Jefferson Tabboga (Paco-Pandacan-Sta Ana-San Andees), Rodante Caballero (Puerto Pincesa City, Palawan), Linda Grace Sagun (Pasig City),  Mary Ann Canarr (Mandaluyong City), Rommel Tolentino (San Juan City),  Alma Celestal Cayabyab (SMART), Marco Yara (Cainta-Taytay),  Renan Plata (North Makati),  Abdullah Bandrang (South Makati),  Celestino Viernes (West Makati),  Clea Marie Pimentel (East Makati),  Deogracias Villar, Jr. (Taguig-Pateros),  Esthet Rhoda Formoso (Pasay City),  Dennis Floreza (Muntinlupa City),  Agakhan Guro (Las Pinas City), Arnel Cosinas (Paranaque City),  Renato Mina (North QC),  Alexander Onte (Novaliches, QC),  Lorenzo Delos Santos (South QC), Yolanda Zafra (Cubao QC),  Romel Morente (East Bulacan),  Reymund Ranchez (West Bulacan),  Richard Go (Malabon-Navotas),  Fritz Buendia (Caloican City),  at Estrella Manalo Valenzuela City.

Naniniwala si Commissioner Lumagui na sa mga susunod na buwan hanggang sa pagtatapos ng taong 2024 ay makakamit ng mga BIR key official ang kani-kanilang target collection dahil sa ganda ng performance na ipinamamalas ng mga ito, gayundin sa kooperasyon ng small, medium at large taxpayers sa panahong ito kung saan nananawagan ang Pangulong Bongbong Marcos na magbayad ng tamang buwis.