Kolektibong pagluluksa

PUNUM-PUNO ang aking social media feeds ng mga namatay na kaanak, kaibigan, at kasamahan sa trabaho. Nag-uumapaw ang kalungkutan at bumabaha ng luha (o ng crying emoji). Walang dumaan na araw na hindi ako nagsabi ng pakikiramay sa isang Facebook friend.

Sa sarili kong pamilya, pumanaw kamakailan ang aking Lolo Steve na malapit sa aking daddy noong mga bata pa kami. Naging karamay rin namin si Lolo Steve at ang kanyang butihing maybahay, si Lola Linda, nang mamatay ang aking Lola Ely na nanay ng aking daddy noong nakaraang taon.

Hindi masabi na COVID-19 ang sanhi ng kamatayan ng aking Lolo Steve dahil ni hindi sýa umabot sa ospital. Nasa Amerika ang kaniyang nag-iisang anak kaya sila lamang ni Lola Linda ang magkasama sa bahay. Nang subukan ng kapatid ko na silipin ang aking lolo, hindi siya makapasok sa kalye nila dahil may hard lockdown sa kanilang lugar.

Lalong nagpabigat sa pakiramdam ko nang mabalitaan ko na namatay rin ang isa sa malapit na kaibigan ng mommy ko na si Tita Miles. May panahon na tumira pa siya sa bahay naminnoon. Muli ko ring naging kaibigan ang anak niya sa pamamagitan ng FB. Gaya ng aking Lolo Steve, hindi na nakaabot sa ospital si Tita Miles. Naging mabilis ang pagsama ng kanyang kalagayan.

Nang magtapos ang 2020 ay buong galak nating hinarap ang bagong taon. Puno tayo ng pag-asa na matapos nating pagdaanan ang isa sa kundi man pinakamahigpit na lockdown sa buong mundo ay higit na bubuti na ang ating kalagayan.

Kasama ako sa mga gusto na lang isipin na isang napakasamang bangungot ang nakaraang taon. Bukod sa nawalan ako ng trabaho dahil sa epekto ng mga lockdown sa dati kong kompanya, gaya ng nabanggit ko kanina, pumanaw noong taon na ‘ýun ang aking Lola Ely. Kung tutuusin ay nagluluksa pa rin ako sa kanyang kamatayan dahil hindi ko pa natutupad ang pangako ko sa kanya.

Ikukuwento ko na lang ito sa ibang araw.

Sa kabila nito ay may pananabik kong hinarap ang taong 2021.

Bukod sa nakahanap na ako ng magandang trabaho ay naiayos ko na rin ang mga relasyon ko. Sa katunayan, isa ako sa mga nagbalak nang bumiyahe kasama ang aking mga kaibigan. Ang buong inaasahan ko ay nasa daan na tayo patungo sa bagong normal.

Laking pagkakamali ko. Bago magtapos ang Enero ay pumanaw ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan, bagaman hindi ito dahil sa COVID-19. Pagsampa ng Marso, muling umakyat sa record high ang daily new cases ng COVID-19 sa bansa. Dahil dito, inilagay muli sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong Metro Manila at mga karatig na probinsya. Nasa higit na malalang krisis pa tayo kaysa noong nakaraang taon.

Gustuhin ko mang magkaroon ng positibong pananaw sa lahat ng pangyayaring ito, hindi ko magawang hindi magngitngit sa ating kasalukuyang kalagayan. Tila hindi makatarungan na matapos nating magtiis ng isang taon ay muli nating ibigay ang isa pang taon ng ating buhay.

3 thoughts on “Kolektibong pagluluksa”

  1. 713504 86246Aw, this was a extremely good post. In thought I wish to put in writing like this moreover – taking time and precise effort to make an outstanding article but what can I say I procrastinate alot and under no circumstances seem to get something done. 791130

  2. Excellent post. I used to be checking continuously this
    weblog and I am inspired! Very useful information particularly the
    ultimate part 🙂 I take care of such information much.
    I was looking for this certain info for a very
    lengthy time. Thanks and best of luck.

Comments are closed.