(• TRANSPORTASYON •)
GOOD day mga kapasada!
Sinimulan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong nakaraang mga araw ang panghuhuli sa mga hindi nakarehistro o ang tinatawag na kolorum na motorsiklo at ang mga habal-habal o ang motorsiklong ginagamit sa pamamasada.
Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, binigyan ng kapangyarihan ni Antonio Gardiola Jr., Chairman ng De-partment of Transportation’s Technical working Group na masagawa ng isang study tungkol sa motorcycle taxis.
Partikular na huhulihin ang riders na hindi kasama sa master list ng participants mula sa tatlong motorcycle ride-hailing apps na Angkas, Joy Ride and Move it na kasama sa inilunsad na pilot study. At upang matulungan ang government enforcers sa kanilang matinding kampanya na paghuhulihin ang mga kolorum na motorbikes riders, hiniling nito sa mamamayan na i-report sa MMDA sa pamamagitan ng social media.
Bilang panuntunan sa panghuhuli, ayon kay Garcia ay sisiyasatin ng traffic enforcers ang driver’s license ng mahuhuling riders nang masigurong ang kanilang pangalan ay kabilang sa master list.
MULTA SA PAGLABAG SA LTO LICENSING
1. Pagmamaneho ng walang kaukulang driver’s license – Multa sa LTO: PHP 3,000.
Payo ng LTO, siguraduhing dala ang driver\s license. Siguraduhin ding hindi expired, suspended at revoked ang lisensi-ya.
2. PAGMAMANEHO NG WALANG SUOT NA SEATBELT
a. first violation – php 1,000.
b. second violation – php 2,000
c. third violation – php 5,000.
Ang seat belt law sa Filipinas ay ipinatutupad sa drivers at sa mga pasahero. Mahalaga rin na malaman na ang anim na taong gulang na bata sa unahang upuan na walang seat belt ay kasalanan din ng drayber para ito ay magmulta sakaling mahuli sila ng traffic enforcer.
3. Pagmamaneho ng nakainom ng alak at paggamit ng bawal na gamot. Multa: PHP 5,000.
Bilang karagdagan sa LTO Violation fee, ang mga motoristang mahuhuling nagmamaneho ng nakainom ng alak o gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot ay mahaharap sa labindalawang buwan (12) na pagkasuspinde ng kanyang driver’s license (implemented sa mga non professional drivers license) sa unang paglabag.
At para naman doon sa mga holder ng professional license, sa unang paglabag pa lamang ay kakanselahin na ang kanil-ang lisensiya.
4. Careless driving
a. Sa unang paglabag: PHP 2,000.
b. sa ikalawang paglabag – PHP 3,000.
c. sa mga susunod na paglabag (subsequent conviction) – PHP 10,000.
Ang pagkabigong sundin ang batas na ito ng trapik ay nag-aanyaya sa isang malagim na aksidente o kaya ay ang ‘di inaasahang traffic violation ticket mula sa traffic enforcer.
5. PARUSA SA LALABAG SA TRAFFIC RULES. MULTA: PHP1,000.
Ang batas na ito sa trapiko ay ipinapataw sa kaso ng mga karaniwang paglabag sa batas trapiko tulad ng:
MULTA AT PARUSA KAUGNAY SA REGISTRATION/RENEWAL
1. DRIVING WITHOUT VALID REGISTRATION: MULTA- PHP 10,000. Ayon sa Land Transportation Office (LTO), sakop ng kaso ng pagmamaneho ng hindi nakarehistrong makina ng sasakyan o kaya ay paso na ang rehistrasyon nito.
2. DRIVING THE ILLEGALLY MODIFIED CAR. MULTA-PHP 5,000.
Ayon sa LTO, bawal ang magpalit o magsagawa ng modipikasyon sa anumang bahagi ng motor tulad ng car cover, car window tinting kung ito ay hindi nakarehistro sa LTO office.
3. PAGMAMANEHO NG RIGHT-HAND CAR. MULTA- PHP 50,000. Ayon sa LTO, itinatadhana ng Republic Act No. 8506, ang pagbabawal na mag-operate ng right-hand steering wheel motor vehicle sa mga pribado at pampublikong lansan-gan sa Filipinas.
Kabilang sa LTO violation na ipinatutupad sa vehicles parts ay ang:
a. brake system
b. car light system: headlights, sidelights, interior lights at iba pa
c. blinkers
d. warning devices
e. busina
f. iba pang accessories, equipment na maaaring magbigay panganib sa road safety.
2. PAGGAMIT NG SASAKYAN NA MAY IMPROPER ATTACHMENT/UNAUTHORIZED OF MOTOR VEHICLE LICENSE PLATE. MULTA- PHP 5,000. Mahigpit na ipinagbabawal ng LTO ang pagkakabit o likutin (tempering) ang anumang stickers o ile-gal na license plate sa alinmang malinaw na nakikita sa mga parte ng sasakyan.
3. SMOKE BELCHING – May itinakdang standard emission gasoline ang LTO sa bawat sasakyan. Sakaling lumampas sa pamantayan ng LTO sa volume ng emission, maaaring magmulta ang drayber ng:
a. sa unang offense- PHP 2,000
b. ikalawang offense – PHP 4,000
c. ikatlong office – PHP 6,000
HINDI PANTAY O WALANG COMPRESSION ANG ENGINE
Kung tumatakbo ang sasakyan sa bilis na labinlima hanggang dalawampung milya sa bawat oras, malalaman ang ‘di pan-tay na compression ng mga silindro sa pakikinig sa exhause (tambutso) sa likod ng kotse.
Sa ganitong pangyayari, suriin ang mga yunit na kaugnay ng ignition at duration upang lubos na mabatid ang compres-sion pressure ng iba’t ibang silindro.
Alisin ang spark plug at itusok ang pressure gauge sa butas ng spark plug ng bawat silindro.
Sa tulong ng bukas na carburetor throttle, i-crank ang makina sa pamamagitan ng starting motor at itala ang pinaka-mataas na presyon na makikita ninyo sa gauge. Maaaring ulitin ang pagsusuri pagkatapos ng gauge reading sa lahat ng silindro.
Sa pagsasagsawa niyon, lagyan ng isang kutsaritang langis ang mga butas ng spark plug sa lahat ng silindro.
Kung tumaas ang presyon na nakikita ninyo sa gauge, ang diperensiya ay maaaring nasa pagkawala ng kompresyon at mabilis na mga piston rings.
Nagsisilbing pambara ang mga langis na iyong inilagay. Kapag hindi nagbago ang presyon, ang improperly seating valves ang may problema.
Kapag mababa ang pressure reading sa dalawang magkatabing silindro, may butas ang head gasket ng mga iyon.
POSIBLENG DAHILAN
1. Maling pagkakalagay ng mga balbula:
a. Bukas ang valve holding dahil sa kapos na tappet clearance.
b. Nagdidikitan ang mga balbula. May deposito ng karbon o gum sa mga valve stems at valve guides.
c. Pilipit o bali ang valve heads o kaya ay baluktot ang valve stems.
d. Sunog, butas o mali ang mga porma ng valve seats at
e. Mahina o bali ang mga valve springs.
2. Walang kompresyon o lakas ang mga naunang palo ng piston rings.
a. Malaki ang puwang ng mga piston at cylinder walls.
b. Nagluluko o barado ang mga butas ng silindro.
k. Kapos ang puwang ng mga dulo ng piston rings.
d. Na-stock ang mga piston ring sa mga kanal niyon.
e. Kapos ang tensiyon ng piston ring.
g. Malalaki ang agwat ng rings. Maaaring sira na ang kanal o kaya ay maliit na ang rings.
3. Pagtulo sa cylinder head gaskit.
a. May sira ang head gasket.
b. Maluwag ang mga turnilyo ng cylinder head.
c. Mali ang tipo ng gasket.
e. Walang takip ang gasket.
f. Pagtulo sa spark plug gasket
g. Pilipit ang cylinder head
Mga kapasada, sana natulungan kayo ng paksang ating tinalakay. Gaya ng pakiusap ng Land Transportation Office (LTO), unawain, isadiwa at igalang ang mahalagang paksang tinalakay.
LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.