KOMEDYANTENG SI BEVERLY SALVIEJO NA-BASH NG NETIZENS SA PAG-AAKALANG NILALAIT SI REGINE

SA pag-uwi ng Asia’s Songbird na si Regine Velazquez sa una niyang tahanan, expected na ang kaliwa’tencounters with pm kanang banat o bashing sa kanya ng mga disgruntled netizen.

Pero marami ang nagulat nang lumutang ang pa­ngalan ng kilalang komedyanteng si Beverly Salviejo at ito naman ang binash dahil sa diumano’y pamba-bash nito sa umuwing Reyna ng Kapamilya.

Naloloka siya kung bakit may taong gumamit sa pangalan niya at pinick-up ng iba na hindi man lang daw inalam kung siya ‘yun talaga.

“Unang-una, wala akong Twitter account. Sa pangalan na lang hindi na ako. Salviejo ako hindi Salvejo. Wala kaming problema ni Songbird. Nananahimik ako sa bahay at sa buhay ko.

Ganyan ba talaga ngayon? Basta ka na lang iba-bash na ni hindi tsine-check ‘yung mga nabasa lang dito?

“May trabaho ako. Ayoko’ng maapektuhan ito. But more than that, what I am fearing for is my safety. Paano kung paglabas ko, bigla na lang may bumato sa akin o saktan ako. Alam mo naman ang mga diehard fans. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako ang biniktima sa ganitong isyu. Ang gusto ko lang linawin ng may kagagawan ito at kay rami nang pumi-pickup at pinalalala. Nag-message na ako kay Ogie (Alcasid) para sabihin na hindi ako ‘yun at wala akong ginagawang ganoon kay Songbird.”

Ang saklap naman nito para sa isang nirerespetong mahusay na komedyante.

Comments are closed.