ISINABATAS na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang lilikha sa National Commission of Senior Citizens (NCSC).
Ginawa ng Pangulo ang paglalagda nitong Huwebes at kahapon lamang ibinahagi sa media ang kopya nito.
Sa ilalim ng nasabing batas, bubuwagin na ang National Coordinating and Monitoring Board, na nilikha sa bisa ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Ang bubuuing komisyon ay mayroong chairperson at anim na commissioners mula sa iba’t ibang rehiyon na itatalaga ng Pangulo. Ang NCSC ang titiyak na ganap na maipatutupad ang batas at mga programa ng gobyerno para sa mga senior.
Magtatalaga sila ng kanilang executive director na magiging responsable sa pagpapatupad ng mga polisiya, regulasyon, at direktiba ng komisyon.
Nakasaad din na ililipat sa NCSC ang mga aktibidad, tungkulin, at programa ng Department of Social Welfare and Development na para sa mga mahihirap, vulnerable at disadvantaged senior citizens.
Trabaho ng komisyon ang magtatag at magmantina ng kooperasyon, makipag-ugnayan sa LGUs, at national govern-ment agencies sa lahat ng usapin na may kaugnayan sa pangangalaga ng mga senior citizen.
Comments are closed.