Komisyon sa Wikang Filipino, Nakiisa sa Mental Health Awareness Month

BILANG  pakikiisa ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Mental Health Awareness Month, isinagawa ang Mental Health Caravan noong 29 Mayo 2024 sa pakikipagtulungan sa National Center for Mental Health. Sa tagubilin na rin ng Komisyon sa Serbisyo Sibil at paalala ni Tagapangulong Karlo Nograles “agency heads and officials must recognize that the quality of public service delivered to stakeholders depends on government workers' physical and mental health.”

Masiglang nakiisa ang mga kawani sa gawain na naglalayong palawakin ang kaalaman at pag-uwana sa usapin ng “mental health” o kalusugang pangkaisipan. Kabilang sa mga tinalakay ang mga paraan sa pangangalaga at pagpapatili ng isang malusog na kaisipan. Idinaos ito sa Bulwagang Romualdez ng KWF.