KOMITE NG MGA SENADOR, PLANTSADO NA

Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri

PLANTSADO na ang  lahat ng committee chairmanships sa Senado na kung saan lahat ng mga senador na miyembro ng mayorya at minorya ay tumanggap ng kani-kanilang mga komite.

Gayunpaman, binigyang diin na bilang miyembro ng mayorya ay dalawang chairmanships ang puwedeng hawakan nito.

Ayon Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, ang botohan sa pagluklok sa committee chairmanship ay sa pamamagitan ng isang caucus at pagpupulong sa pagitan ng mga senador na kung saan sila mismo ang nag-apruba.

Kahapon sa sesyon sa Senado, inihayag ang committee chairmanships ng mga senador na kung saan si Senador Richard  Gordon pa rin ang may hawak ng Blue Ribbon Committee; Agriculture and Food kay Senadora Cynthia Villar; Constitutional Amendments and Revision of Codes kay Senador Francis ­Pangilinan; Economic Affairs kay Senadora Imee Marcos at Energy kay Senador Win Gatchalian.

Hawak naman nga­yon ni Senador Sonny Angara ang Finance Committee; Foreign Relations kay Senador Koko Pimentel; Games and Amusement kay Senador Lito Lapid;  Health and Demography kay Senador Bong Go; Labor, Employment and Human resources Development ay nanatiling pa rin kay Senador Joel Villanueva samantalang ang  Local Government ay  ibinigay  kay Senador Francis Tolentino.

Si Senador Panfilo Lacson naman ngayon ang mamumuno sa National Defense and Security; Public Information and Mass Media kay Senador Ramon Bong Revilla; Public Order and Dangerous Drugs kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Nananatili naman kay Senadora Grace ang pamumuno sa Public Services; Public Works kay Senador Manny Pacquiao; Rules kay Senador Zubiri; Social Justice Welfare and Rural Development kay Senadora Leila De Lima; Tourism kay Senadora Nancy Binay;  Ways and Means kay Senadora Pia Ca­yetano, at  Women, Children, Family Relations and Gender Equality kay Senadora Risa Hontiveros.

Samantala, niluklok naman na maging miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) at Senate Electoral Tribunal (SET) sina Pangilinan, Drilon at Hontiveros.

At wala pang ina­anunsiyo kung sino sa mayorya ang magiging bahagi ng SET at CA gayundin ang mamumuno sa ilan pang mga natitirang komite.

Pero tiniyak ni Zubiri na ngayong araw ay mapupunan na ang 40 committees lalo na’t tapos na rin nila itong matalakay o mapag-usapan ng mga senador. VICKY CERVALES