UMAASA si Senate Minority Leader Franklin Drilon na mapapanatili ang umiiral na tradisyon sa Senado na Equity of the Incumbent o pagbibigay konsiderasyon sa mga incumbent senator pagdating sa hatian ng Committee Chairmanship.
Pahayag ito ni Drilon kaugnay sa napaulat na napupusuan ni Senator-elect Imee Marcos ang Committee on Social Justice, Wel-fare and Rural Development na pinamumunuan ngayon ni Senadora Leila De Lima.
Habang gusto naman umano ni Senator-elect Pia Cayetano ang Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan naman ni Senadora Risa Hontiveros.
Ani Drilon, ang pagpapasya kaugnay sa Committee Chairmanship ay nasa kamay ng mayorya.
Gayunpaman, tiniyak naman ni Drilon na kahit matanggalan ng pinamumunuang komite ang mga kasamahan niya sa minorya ay patuloy nilang susuriing mabuti ang bawat panukalang batas para mati-yak na ito ay makabubuti sa kapakanan ng bansa at ng mamamayang Filipino.
Comments are closed.