NAG-ANUNSIYO kahapon ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon sila ng dagdag sa presyo ng diesel at gasolina simula Martes, Agosto 14.
Ayon sa report, magkakaroon ng P0.15 dagdag sa kada litro ng kanilang gasolina at P0.25 na dagdag sa kada litro ng diesel ang mga sumusunod na kompanya: Flying V, Shell, SEAOIL, Phoenix Petroleum, Caltex, Petro Gazz, at PTT Philippines.
Wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene.
Magsisimula ang price adjustment ng mga kompanya simula alas-6 ng umaga ngayong araw ng Martes.
Comments are closed.