NAG-ABISO ang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng tapyas sa presyo ng produktong petrolyo simula ngayong Martes, Disyembre 10.
Ayon sa Seaoil, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, PTT Philippines, at Caltex, P0.10 ang kanilang ibabawas sa presyo ng kada litro ng diesel at P0.40 sa kada litro ng gasolina.
Magpapatupad naman ang Petro Gazz at Caltex ng P0.40 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.
Ayong sa huling datos na galing sa Department of Energy (DOE), ng Disyembre 3, 2019, ang year-to-date adjustments ay nasa net increase ng P6.82 bawat litro para sa gasolina, P3.81 para sa diesel, at P0.94 para sa kerosene.
Comments are closed.