KOMPANYA NG LANGIS MAY TAPYAS-PRESYO MULA MARTES

INANUNSIYO ng i­lang kompanya ng langis na magbabawas sila ng presyo ng kanilang produktong petrolyo simula ngayong araw, Agosto 7.

Ayon sa abiso ng mga kompanya nasa P0.10 ang bawas sa kada litro ng gasolina at diesel habang P0.25 naman sa kada litro ng kerosene.

Nauna nang magpatupad kahapon ang Petro Gazz ng bawas na P0.20 sa kada litro ng gasolina at diesel.

Narito ang oil price rollback:

Petro Gazz (Lunes, 6 a.m.)– gasoline – P0.20 kada litro;  diesel – P0.20 kada litro;

SEAOIL (Martes, 12:01 a.m.)– gasoline – P0.10 kada litro; diesel – P0.10 kada litro; kerosene – P0.25 kada litro.

SHELL, Flying V (Martes, 6 a.m.)– gasoline – P0.10 kada litro;  diesel – P0.10 kada litro;  kerosene – P0.25 kada litro.

PTT Philippines, TOTAL, Phoenix Petroleum (Martes 6 a.m.)– gasoline – P0.10 kada litro;  diesel – P0.10 kada litro.

Comments are closed.