KOMPANYA NG LANGIS MULING TAAS-PRESYO NGAYONG ARAW

langis

NAG-ABISO ang ilang kompanya ng langis ng taas-presyo sa kanilang mga produkto simula ngayong araw ng Martes.

Sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. na magtataas sila ng presyo ng gasolina ng P1.05 kada litro, diesel ng P.070 kada litro at kerosene ng P0.70 kada litro.

Magpapatupad din ng Petro Gazz ng kaparehong pagbabago ng presyo maliban sa kerosene.

Magsisimula ang pagbabago simula 6am  ngayong araw.  Ang ibang kompanya ay mag-aanunsiyo pa lamang ng kaparehong pagbabago as of posting time.

Hindi kasama sa anunsiyo ngayong linggo ang year-to-date adjustments stand sa net increase ng P5.15 kada litro para sa gasolina, P3.30 para sa diesel, at P1.75 para sa kerosene.

Comments are closed.