NAG-ANUNSIYO ang ilang kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas-presyo ng kanilang mga produktong petrolyo simula ngayong araw ng Martes, Pebrero 19.
Ayon sa SEAOIL at TOTAL, P0.70 ang kanilang idaragdag sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.
Magpapatupad din ang SEAOIL ng P0.35 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.
Nauna nang nag-anunsiyo ang Shell, PTT Philippines at Petro Gazz ng P0.70 taas-presyo sa gasolina at diesel simula rin nga-yon.
May P0.35 taas-presyo rin ang Shell sa kada litro ng kerosene.
Sinimulan ang pagpapatupad ng mga kompanya ng mga bagong presyo nang alas-6 ng umaga.
Comments are closed.