MAGKAKAROON ng taas-presyo sa petrolyo simula ngayong araw, bunsod nang galaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado, ayon sa abiso ng ilang kompanya ng langis
Ito ang ikaapat na sunod na linggong pagtataas ng presyo ng langis.
Ayon sa Petro Gazz, Shell, Eastern Petroleum, PTT Philippines, at TOTAL nasa P0.55 ang taas-presyo sa kada litro ng diesel habang P0.20 naman sa kada litro ng gasolina.
Tataasan din ng Shell ng P0.40 ang kada litro ng kanilang kerosene.
Magiging epektibo ang mga bagong presyo ng Petro Gazz, Shell, Eastern Petroleum, PTT Philippines, at TOTAL ngayong alas-6 ng umaga.
Comments are closed.