MULING nag-abiso ang mga kompanya ng langis na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo simula ngayong araw.
Ayon sa Shell, Petro Gazz, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Unioil, SEAOIL, at Caltex, magtataas ng P0.65 kada litro ng kanilang gasolina, at P0.10 ang kada litro ng diesel.
Ang SEAOIL, Shell at Caltex naman ay magtataas ng P0.10 sa kada litro ng kerosene.
Magiging epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga ngayong araw maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12 ng hatinggabi.
Comments are closed.