KOMPANYA NG SUMADSAD NA BARKO SA BUCAO RIVER NAGPALIWANAG

BUCAO RIVER

BOTOLAN, Zambales– NILINAW ng kompanya ng sumadsad sa MV Zhong Hai 69 Alfa Bucao River na hindi sila nagsasagawa ng dredging, bagkus ay nasira ang barko dahil sa malalakas na hampas ng alon at hangin.

Sa ulat ni Fiedni P. Fontamillas, Z2K Resources Inc. Chief Operating Officer na hinampas sila ng malalakas na alon bunsod na rin ng nag-daang Bagyong Butchoy dahilan para mabutas ang gilid ng barko kaya’t napasok ng tubig sa bawat hampas ng malalakas na alon.

At upang maiwasan ang posibleng paglubog nito habang nakatigil o nakadaong ay nagsagawa ng emergency repairs ang Philippine Coast Guard (PCG) Personnel sa Ma­sinloc, Zambales.

Sinabi ni Fontamillas, ang ZH 69 ay nasa 200 meters malapit sa Bucao River at lumapit sa baybaying dagat para sa repairs na ginawa kasama ang PCG.

Nilinaw na rin ni Fontamillas, hindi dredger ang barko kundi isa itong aggregates carrier ship at walang kapasidad sa nasabing dredging.

Dahil sa nangyaring “intervention” ng manage­ment at personnel ng Z2K, wala nang nakuhang malalang sira ang barko at walang oil spill.

Kinumpirma ito ng PCG, naselyuhan ang breach na inilagay sa shipyard para sa dry dock kaya’t  nagpasalamat si Fontamillas kay PCG- Masinloc Sub-station Chief Rizaldy Sardan.

Ang Z2K Resources Inc. ay ginawaran ng Province of Zambales ng Notice to Proceed and Dredging Operations Permit noong May 28, 2020 para sa large scale dredging operation silted Bucao River.

Comments are closed.