KOMPENSASYON SA MARAWI RESIDENTS NA NAWALAN NG TAHANAN, ARI-ARIAN ISINUSULONG SA SENADO

APAT na taon na ngayong darating na Oktubre 23 ang paglaya ng Marawi City sa kamay ng terorismo noong Mayo 2017. Sa digmaang iyon sa pagitan ng mga puwersa ng gobyerno at ng teroristang alyado sa ISIS, libo-libong kababayan natin ang naging biktima at marami ang nagbuwis ng buhay.

At ang kasalukuyan ang tamang panahon upang ibangong muli ang mga kapatid nating Maranao na dumanas ng matinding hirap at sakripisyo dahil sa digmaang kumitilsa napakarmaing buhay at sumira sa bilyon-bilyong kabuhayan sa lungsod.

Kahit naging tagumpay ang gobyerno sa naturang digmaan, hindi na rin maibbabalik ang nawalang mga mahal sa buhay ng mga kababayan natin. Pero maaaring sa panahong ito, tulungan natin silang ibangon at muling makapamuhay nang payapa kahit pa tayo ay nasa pandemya.

Higit 1,000 ang nalagas na buhay at tinatayang P17 bilyon ang mga ari-arian at negosyong nasayang. Higit 300,000 ang nawalan ng tahanan na sa kasalukuyan, ayon sa United Nations, ay bumababa na sa mahigit 100,000  katao.

Sayang ang mga pangarap na nawala sa digmaang iyon – pero kung tutulungan sila ng gobyerno, maaaring magbigay ito ng panibagong pag-asa sa ating mga kapatid na Maranao.

Isang panukalang batas ang inireport natin sa Senado – ang Senate Bill 2420. Layunin natin dito na bigyan ng kaukulang kompensasyon ang mga biktima ng Marawi City siege upang mabuo nilang muli ang kanilang nawalang tahanan at nabuwag na pangarap.

Ito pong panukala nating ito ay isang substitution bill sa Senate Bills 1395 nina Majority Leader Migz Zubiri, Senators Ronald dela Rosa, Francis Tolentino, Bong Go, at Imee Marcos, at 2394 nina Sens. Risa Hontiveros, Francis Pangilinan at Richard Gordon.

Sa ilalim po ng naturang panukala, iniaatas ang  pagkakaloob ng tax-free monetary compensation sa mga residente at sa mga may-ari ng cultural o commercial structures na matatagpuan sa mga lugar na binayo ng digmaan o Most Affected Areas (MAA) at Other Affected Areas (OAA).

Itinuturing na MAA ang 24 barangay na kinabibilangan ng Lumbac Madaya, South Madaya, Raya Madaya 1 and 2, SabalaAmanao, Sabala Amanao Proper, Tolali, Daguduban, NorhayaVillage, Banggolo Poblacion, Bubong Madaya, Lilod Madaya, Dansalan, Datu sa Dansalan, Sangkay Dansalan, MoncadoColony, Moncado Kadilingan, Marinaut West, Marinaut East, Kapantaran, Wawalayan Marinaut, Lumbac Marinaut, TucaMarinaut at Datu Naga.

Sakop naman ng OAA ang walong barangay na kinabibilangan ng Saduc Proper, Panggao Saduc, Raya Saduc, Lilod Saduc, Datu Saber, Bangon, Fort at Wawalayan Caloocan.

Isinasaad pa rin sa ating panukala na tatanggap din ng bayad-pinsala ang mga nagmamay-ari ng private properties na sumailalim sa demolisyon kaugnay ng pagpapatupad MarawiRecovery, Rehabilitation and Reconstruction Program.

Marami nang natapos na imprastraktura ang gobyerno sa mga apektadong lugar tulad ng mga kalsada, health center, government buildings, mosque at madrash pero hanggang sa ngayon, marami pa rin sa mga residente ang hindi pa  makabalik sa kani-kanilang lugar dahil hindi pa natatapos angkonstruksiyon ng kanilang mga bahay.

Ang iba, hindi pa rin pinapayagang makabalik dahil sa mga panganib  na dala ng mga naiwang armas sa digmaan at iba pang mga kagamitang pandigma na nalibing sa mga guho.

Pinayagan man ng Task Force Bangon Marawi ang ilang residente na makabalik na sa kanilang lugar upang ayusin ang kanilang mga bahay, hiniling pa rin sa mga ito na makapagsiguro ng building permits at magpakita ng patunay na sila ang nagmamay-ari ng nasirang property.

Dito sa ating panukala, iniaatas din ang paglikha sa  MarawiCompensation Board na tatayong administrador atmangangasiwa sa maayos na distribusyon ng compensation claims.

Ang Board ay bubuuin ng 9 na miyembro, kung saan, ang tatlo rito ay kasapi ng Philippine Bar. Mas makabubuti rin na ang mga ito ay Maranao lawyers na may limang taong legal practice. Kabilang din sa gagawing Board members ang isang lisensyadong doktor, isang certified public accountant, isang educator at isang lisensiyadong civil engineer.

vvv

Sa isinagawang pagdinig sa panukalang 2022 budget ng Department of Trade and Industry nitong nakaraang linggo, hiniling natin sa ahensiya na kung maaari ay gawing simple at hindi pahirap sa mga micro, small and medium enterprises ang pagpapautang para sa kanilang negosyo.

Unang-una, sila ‘yung hirap na hirap na makarekober dahil sa pamdemya. Hanggang ngayon, wala namang nakakabangon pa sa kanilang hanay.

Hiniilng natin sa mga lending bank na kung puwede, huwag nang hanapan ng kung ano-anong requirements ang mga mangungutang na MSMEs lalo na kung maliit na halaga lang naman ang inuutang. Kung puwede, simplehan lang at kung maaari, huwag na nilang isabak samahahabang pila dahil maliit na  halaga lang naman ang uutangin. Mas mainam kung may special lane sila sa mga bangko para hindi na sila dumagdag pa sa mahabang pila ng mga ibang kliyente  na iba ang transaksiyon.

Hirit din natin, sana, mababa lang ang tubo na ipapataw ng Small Business Corporation of SBCorp. sa mga maliliit nanegosyante.  Dapang-dapa ang MSMEs ngayong pandemya. Sana, sa kahit ganitong paraan ay matulungan natin sila.

2 thoughts on “KOMPENSASYON SA MARAWI RESIDENTS NA NAWALAN NG TAHANAN, ARI-ARIAN ISINUSULONG SA SENADO”

Leave a Reply

Your email address will not be published.