KOMPLETUHIN ANG SUMMER WITH A BEACH-TRIP NEAR METRO

NANGANGAMBA ka ba na magtatapos ang summer nang hindi ka man lang nakapag-outing? Huwag kang mag-alala! Kulayan na ang drawing kasama ang mga kaibigan o kapamilya sa inyong weekend getaway.

Para makapamasyal at makapagsaya, hindi na kailangan pang magtungo sa malalayong lugar dahil may mga lugar na puwedeng puntahan.

Maraming magagandang beach ang naghihintay sa iyo, ilang kilometro lamang ang layo sa Metro!

Narito ang ilang mga lugar na kokompleto sa inyong summer:

BUROT BEACH SA CALATAGAN, BATANGAS

Isa ang Batangas na may napakaraming magagandang lugar na maaaring pasyalan. At isa nga sa nakareBUROT_BEACH-relax puntahan ang Burot Beach sa Calatagan, Batangas. Kasalukuyan pa itong dini-develop pero libreng mag-­camping at mag-swimming dito.

Para marating ang nasabing beach, mula sa Metro Point Mall (EDSA-Taft station), may mga bus na maaaring sakyan papuntang Calatagan Public Market. Mula naman sa Calatagan Public Market ay maaaring sumakay ng tricycle papunta sa Burot Beach.

Kaya naman, hindi na problema ang masasakyan kung wala kayong sariling sasakyan sapagkat mayroong napakasimpleng paraan para marating ang isa sa beach na matatagpuan sa Batangas.

ANILAO SA MABINI, BATANGAS

Perfect ang beach na ito kung gusto mong mag-scuba diving, dahil mamamangha ka sa yaman ng marine life. Marami ring mga resort dito at kainan na maaaring pagpilian.

Kung pupunta rito ngunit magko-commute lang, maraming mga bus sa Buendia Station na magdadala sa iyo papuntang Batangas. Bumaba sa Batangas Grand City Terminal. At mula naman sa Batangas Grand City Terminal ay may mga dyip na dumederetso sa Anilao.

CAGBALETE ISLAND SA MAUBAN, QUEZON

Mas malayo naman ng bahagya ang Quezon sa Batangas. Kumbaga, kung pupunta ka ng Que­zon ay madaraanan mo pa ang Batangas.

Kung gusto mo naman ng mas malayo sa Batangas, puwede mong dayuhin ang Cagbalete Island sa Mauban, Que­zon.

Sikat ang islang ito dahil sa isang mil­yang white sand bar na makikita tuwing lowtide.

Para naman makapunta sa lugar, magtungo lang sa LRT Buendia Station at sumakay roon ng bus papuntang Lucena, Quezon. Mula sa Lucena Quezon, may mga van naman papuntang Mauban.

BORAWAN BEACH SA PAGBILAO QUEZON

BORAWAN BEACHNagmula ang pangalan ng beach na ito sa pinagsamang Boracay at Palawan dahil na rin sa ipinagmamalaki nitong white sand at mga limestone cliff.

Sa pagpunta rito, sumakay ng Bus sa LRT Buendia Station papuntang Lucena. Pagdating naman sa Lucena, sumakay ulit ng isa pang bus na papunta namang Padre Burgos. At mula sa Padre Burgos ay may mga tricycle namang nag-aabang at maghahatid sa iyo sa Borawan Beach.

SOUTH BEACH SA CORREGIDOR ISLAND, CAVITE

Kung gusto mo namang unique ang beach-trip, subukang pumunta sa South Beach. Napakalapit lang nito sa Metro. Bukod sa swimming, maaari ka ring bumisita sa mga historical site na nakasaksi sa World War II.

Hindi ba’t madali lamang silang puntahan?

Sa araw-araw mong paglalakbay sa urban jungle, deserve mo namang mabigyan ng break. Tara! Gawing memorable ang #Summer2018 with a Beach-trip-fix! Tiyak na sa mga nabanggit na destinasyon ay mag-e-enjoy ka kasama ang pamilya at kaibigan. RENALENE NERVAL (photos mula sa google)

Comments are closed.